Entries for May, 2007

aussie?!

may classmate ako dati.. lumipat na sila ng ibang bansa. nasa Australia siya ngayon. nakita ko yung profile sa friendster nung ex-crush ko [nakanaks. T_T] .. tapos dun sa comments section.. may comment si Gretel (ung nasa australia ngayon) sa kanya.. nakalagay.. "hey fuckin' what?! im in yr 7 im older than u now!" then, I viewed her profile.. yung "About Me" section niya, nasaktan ako. [naks] alam mo ba kasi kung anong nakalagay?! hay. eto:



Status: Taken.. I hate filipino guyzz aussie the best!!



parang.. sa isip ko.. isang napaka-laking.. ANO?!



ang naisip ko, na-impluwensyahan na ang buong pagkatao niya ng mga so-called "aussies" doon. hay. ang sakit pakinggan nun diba? I HATE FILIPINO GUYS. kahit pa babae o lalaki yang "guys" na yan. pilipino pa rin ang tinutukoy niya. at Pilipino ako. mas gusto niya ang mga banyaga? ugh. di ko siya masisisi. hmp. pero, galit ako sa kanya! tinalikuran niya ang pagiging Pilipina niya. lumabas na sa bibig niya ang salitang "FUCKING". malala na. ha. bahala na siya sa buhay niya. kung mas gugustuhin niyang maging isang tangang "aussie", bahala siya sa buhay niya, kung sakin siya nag-comment ng gan0n, inaway ko na siya. lalo na yung tungkol sa profile niya. hmp. "aussie" ambaho pakinggan.. buti pa ang "pinoy" astig pakinggan. haha!



{ show } Maging Sino Ka Man
{ mood } inis kay eric.

2 texted



i feel like..

i feel like..
hmm.. feeling ko, pumapasok na ko sa school..kasi.. naka-enroll na ako. naamoy ko na ang amoy ng school. may books na kami. pero. hihi.. hindi pa kumpleto yung mga books namin, pero may improvements naman siya.

yung Practical Arts.. may book na kami dun, dati kasi, todo sulat kami, mangiyak-ngiyak na kaming lahat dahil sa hirap (ugh!) pati na rin sa MAPEH, may book na kami, tapos, pinalitan yung ibang books.. i mean, yung Science, hindi na yung dating publication house ang nakalagay, ibang publication house na.. (understood? haha..) tas yon. may computer kit na din.

grabe, nagtaas yung tuition. 10% increase. imagine that.. ang laki.. ung books.. dati.. mga.. 2,700+ lng.. tapos ngayon.. 3,000+! argh. ang laking gastos. yung enrollment naming 4, 67,000+ enrollment lang yan, dude. tapos.. speaking of uniforms.. si bunso ang pinaka-magastos. halos lahat ng set, bibilhin niya. ang taba-taba kasi. nakakainis. baboy. hmp. (peace!) grade 2 pa lng siya sa pasukan, ang taba-taba pa rin niya. yuck. eeww.. haha!

{ show } Ma. Flordeluna

text



Wendy.. the girl

I was watching PBB Season 2 last night. Excited ako malaman kung sino sa apat na Balik-Bahay housemates ang magkakaroon ng ikalawang pagkakataon na makapasok muli sa Bahay ni Kuya.. shit. I was thinking na si Kian and Zeke ang magkakaroon ng second chance.. Nainis talaga ako.. kasi si Zeke yung may pinakamababang votes. well.. sa 3, ang wish ko, si Kian and Jasmine na lang. lalo na si Jasmine, marami siyang hindi nalinaw sa mga housemates niya..sayang. nung nalaman ko na si Jasmine naman ang second to the last na pinakamababang votes..waaaaahh.. si Wendy and Kian ang nakapasok. Ok na si Kian! ngak. hay nako.. tama talaga yung isang tao na nag-send ng letter sa PBB UpLate. wag na yon si Wendy, pareho naman silang panget ni Bruce, at saka, pag nasa loob na si Wendy, lagi na lang sila ni Bruce yung pinapalabas. che.

At mas lalo pa akong naasar nang makita ko yung percentage ng votes ni Wendy.. 57 point something. siyet. hmp. I hate it. xp

{ show } The Buzz

2 texted



P 2,220.00

waistline..30.. shit. kmi ni kuya mark ako and si maya (bunso.. nickname lng) pumunta kami kanina sa main campus ng school namin, bumili ng uniforms. limited lang yung dala naming pera. P2,220.00. hindi kasi namin kasama si mommy. may pasok sila. hinatid lang kami ni daddy kaya yun, ang aga namin gumising.. para daw pagbukas nung store, andun na kami.

nung nandun na kami halos sa tapat ng school..diba may mga kumakalat na metro aids sa commonwealth? shit. muntik na masagasaan ni daddy. hanep kasi mag-drive. haha! buti naka-iwas ang bruha. at si daddy, buti na lang, mabilis ang kamay at nakabig agad yung manibela. at mabuti, hindi dumiretso sa concrete barriers (yun ba talaga ang tawag dun?)

anyway.. yan.. naglalakad na kami papunta dun sa classroom kung saan nandun ang mga uniforms. si maya ang unang nagsukat. nagulat ba naman ako nang malaman ko ang size ng blouse niya. 16! siyet. tapos ang size 16 is.. P210.00 each.. yung palda naman ng bruha, ang waistline ay 30! yack. grade 2 pa lang siya next SY! obesse. haha! ang isang palda naman niya.. P310.00.. multiply mo yan.

anong sagot?

--
P 1,759.00
--

oh diba?
P 2,220.00
-
P 1,759.00
_________
P   461.00

tapos.. ako, kahit na kasya pa sakin yung mga luma ko, pinabilhan pa rin ako ni mommy ng isang blouse saka isang t-shirt na pang-P.E..yon. yung P.E ni maya.. small.. sakin extra small.. yung blouse ko, size 14. kanya 16. xp. haha.. nakakainis talaga siya. ang gastos. dahil sa katabaan niya. ayan tuloy. mangiyak ngiyak si mommy. medyo, kinakapos naman din kasi kami. hindi naman yung as in walang wala.. todo budget kame. yon. at least sakin, malaking bagay na hindi ko na kelangan bumili pa ng bago. yun. pati supplies, elimination kame. haha! okay lang.. basta makapag-aral. haha!

onga pala.. P 27.00 lang ang sukli. ayun.. binawasan namin ng isang palda. kulang kasi yung pera. haha!

{ show } spongebob squarepants

text



Super Shopping!

well, everyday ako nago-online dito sa Tabulas, pero sa araw-araw kong pag-online, hindi naman ako palagi nagda-dagdag ng isang makabuluhang entry kasi wala naman masyadong kwento ang buhay ko. kaya ayun. pero ngayon, eto ako, super kwento.



hmm.. galing kami sa SM kahapon (Saturday), bumili ng sapatos, school supplies, at ung palda ni Maya. (Kung nabasa niyo yung entry ko entitled "P 2, 200.00", maybe you know what I'm talking about right now.) gosh. anlaki-laki talaga ng bewang niya. mas malaki pa sa ate ko. yung palda niya na nabili namin sa SM is the biggest size! Imagine-in mo, a grade 2 student wearing a skirt with the biggest size. Oh, gosh.. eeww.. minsan nga inis ako sa kanya kasi dahil sa katabaan niya, ayun, lumalaki yung gastusin namin. eerr..



pagkatapos namin bumili ng pagka-laki-laking palda ni Maya, bumili naman kami ng sapatos. nauna siya bumili, tapos ako. ayun. sabi ni mommy, habang nagsusukat si Maya, pumili na din daw ako. but.. what the..? nakakadiri yung mga designs, mga pambata. tapos may pinasukat sakin don yung isang miss, yun yung una kong nakita na pinandidirihan ko, ang lapad lapad niya para sa paa kong MAHABA. eerr.. yun. anlaki kasi ng paa ko.. (well, mali, hindi malaki. mahaba) haha! so, pumunta kami sa Parisian na mga shoes. ayun, mas type ko yung mga designs sa Parisian.. kesa yung.. Tweety, Lizzie McGuire! eeww. mas mura pa nga yung nabili kong sapatos kesa sa kapatid ko.. P249.75 lang. yung sa kapatid ko, mas mahal ng P 100.00. bleh. xp. size 10 yung nabili kong sapatos, iba-iba kasi yung sizes ng paa ko in every designs. naglalaro ang size ng paa ko sa..hhmmm.. 8-10. yun. haha!



school supplies ang sumunod. ang dami kong kailangan na intermediate pad. tatlo. hindi naman lahat yon magagamit eh. sigurado ako. sa isang klase, hindi lumalampas ng 38 ang mga estudyante. eh di andaming intermediate non. siyet. kaya nga every year, gusto ko kuhain lahat ng intermediate sa locker ng teacher at ibalik sa mga may-ari. ano naman kaya ginagawa nila dun. hmp.. tapos nung magbabayad na kami.. may lumapit na babae dun sa Customer Service. nanakawan ng cellphone. kawawa. kasi naman yung pinaglagyan niya ng cellphone, nasa labas ng bag niya, tapos magnet lang  takip nung bulsa na yun. kahit isang daliri. kayang buksan yon. eh super daming tao sa National non. kaya talagang mananakawan siya. haha! nakuha na kaya niya? tapos paglabas namin ng store, may guwardiya na. hindi naman tinitignan every bag. dapat ganun. para makuha na diba? boba.



nagutom kami ni Maya.. kaya ayun, nagpabili kay daddy ng cotton candy. habang bumalik sa mommy sa loob bibili ng inside shirt ni kuya. takas! haha!



text



ang hirap ng buhay

nanonoodsila ng TV Patrol.. tapos, bigla akong napalingon sa tv dahil sa balita. nagulat ako kasi sabi sa headline.. "Halos 5 million na estudyante ay hindi makapag-a-aaral sa pasukan dahil walang pambayad sa matrikula" ganun na ba talaga kahirap ang mga Pilipino? sana naman mabigyan sila ng scholarship para naman hindi sila mga mukhang walang alam sa mundo. kawawa naman. kung mayaman lang ako, mas gugustuhin ko pang pag-aralin yung mga batang yun, kesa naman ipambili ko ng mga gamit na hindi naman kailangan. eerr..



{ show } TV Patrol Linggo
{ mood } awang-awa

text



back to school..

sobrang laki ng gastos namin. enrollment pa lang. kaming apat na magkakapatid.. naka-halos 67,000+ na. enrollment lang! school supplies pa. tapos yung akin, tatlong intermediate, and.. i'm sure, hindi magagamit lahat yun. nakakainis nga eh. super sayang sa pera. todo-tipid nga kami ngayon eh.. hehe. well, di naman kami namumulubi noh. hihi.

classmates.. i miss you! sana classmates pa rin tayo.. hehe.. kahit na magulo ang Pulag dati, love ko kayo! ahaha! goodluck sa ating lahat!

{ show } Goin' Bulilit *nakikinood*

text



ispits.

"geben dis chance to.. u noh! ah.. deleber dis ah.. prebeleds ispits.. onang ona.. u noh! to be hir.. ah! da prablem is u noh.. its ok naman.. i.. i.. ano.. i pil gud todey.. pers ob ol, i sikan di mowsyon! i dont noh hu is terd! tenk yo! dalts ol mester espeker!"

-Congressman Manny Pacquiao

{ mood } happy

2 texted



palimos.
friendster. may comments section na, right? eerr.. naiinis ako sa mga taong nanglilimos ng comments. gusto lang nila mapadami yung comments nila for..NO REASON.. haha! kahit yung friends nila sa friendster, gusto nila mapadami. wala lang, kahit di naman sila friends nung mga yun. kaya nga ako, magde-delete ako ng friends ko sa friendster..haha! kasi ganyan din ako dati. ngayon ko lang na-realize na isa iyong malaking.. katangahan. ^^..sorry kung may na-offend ako na nagbabasa nito. well, opinion ko lang naman yun eh. haha. {nakakainis naman yung sound effects ng Law of Ueki.. kasi naman bakit ba kayo nanonood niyan! haha!!} well.. ayun. sige.

2 texted



Miss Universe 2007

nagising ako ng mga quarter to 10 na. haha! ewan ko kung bakit. ayun, binuksan ko agad yung TV kasi gusto ko mapanood yung Miss Universe 2007. naabutan ko pa. so, nanood na ako hanggang sa matapos.. and then, na-shock talaga ako nung rumarampa na sila para dun sa evening gowns nila, si Miss USA, nadulas, pero, nakatayo naman agad siya and hindi naman nawala yung smile sa face niya.. haha! ayun.. habang nanonood ako, at nakita kong wala si Miss Philippines sa Top 10, si Miss Japan na talaga ang pinaghihinalaan kong mananalo.. wiiiih. and.. yun nga, siya nga nanalo, deserving naman. for sure, syempre..

Congratulations to:

Miss Phiippines sa pagtanggap ng Miss Photogenic award

at

Miss China sa pagtanggap ng Miss Congeniality award

at

sa lahat ng sumali sa Miss Universe 2007!

again, Congratulations to Miss Japan!

text



kelan?

kelan pasukan mo, ha?



kami kasi sa 13. ikaw, kelan? pwede mo bang sabihin sakin?



4 texted



2007/06 »
Navigation
Little Tommy
welcome to my blog site! feel free to read my entries and add a comment (if you have)..This page is my blog, wherein I can write my own thoughts and stories and everything. You can also add me as a friend.. and, if you want to be linked, just leave me a message on my tagboard saying.."linkage".. ^^..If you hate my blog entries and everything in here, well, you are free to leave! =").. and if you also hate me, i hate you too! just simple as that! hehe.. text mo din ako! para malaman ang aking number, add mo ako sa YM! ria_rakista_06@yahoo.com.. bilisan mo ah! antayin ko text mo! onga pla, kung magte-text ka, lagay mo to sa huli: "tabby".. ^^..

Tagboard


Content Pages


Avatar
Button


Credits
Tabulas © -r-i-a-
Valid XHTML and CSS.
Character © Barunson.co.kr
Layout by Bouncy Bubbles.Net
Tagboard from CBox
Ported to Tabulas by Up4Grabs